Kris,nanay ni Heart sa bagong teleserye
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Pilipino STAR Ngayon 05/02/2004
Sa presscon ni Lito Lapid na bigay ni Mother Lily, buong pagmamalaking in-announce ni Kris Aquino na si Sonny Belmonte ang iboboto niyang mayor ng Quezon City. "SB ako," paulit-ulit nitong banggit and hopefully, si Herbert Bautista rin ang iboboto niyang Vice Mayor.
Pagdating sa senator, hindi straight na iboboto ni Kris ang 12 senators na kaalyado ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa Lakas-CMD. Walo lang daw ang kanyang iboboto at yung apat ang galing sa KNP.
"Hindi ko sasabihin kung sino sa Lakas ang 8 senatoriables na iboboto ko. Sa KNP, sina Lim, Pimentel at Jinggoy ang choice ko. Iyong isa, sikreto na," sabi nito.
Incidentally, end ng June ang start ng taping ni Kris ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na ididirek ni Rory Quintos at kundi end ng July ay first week ng August ang start ng airing. Hindi pa niya alam ang title nito at kung sino ang kanyang mga makakasama. Ang tiyak lang ay si Heart Evangelista na gaganap na kanyang anak.
"Baka mabago ang story dahil ayaw ni Charo (Santos-Concio) sa role ko. Hindi niya ako maisip in a mother role. In the story kasi, I had her at 15 and she grew up thinking Im just her sister," pagkukwento nito.
Credit Ate Sue
|